Sa pagtatagpo, Enero 24, 2024, sa Beijing, nina Premyer Li Qiang ng Tsina at Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan, ipinahayag ng premyer Tsino, na hangad ng kanyang bansa na makipagkooperasyon sa Uzbekistan sa mga larangang gaya ng ekonomiya, kalakalan, pamumuhunan, konektibidad sa imprastruktura, teknolohiya, bagong enerhiya, pagpapalitang kultural, edukasyon at turismo, upang maitulak ang de-kalidad na pag-unlad ng kooperasyon sa Belt and Road Initiative (BRI).
Sinabi naman ni Mirziyoyev na ang karanasan ng Tsina sa matagumpay na pag-unlad ay isang magandang huwaran para sa Uzbekistan.
Nakahanda aniya ang Uzbekistan, na ibayo pang palalimin ang kooperasyon sa Tsina sa iba’t-ibang larangang gaya ng ekonomiya, kalakalan, pamumuhunan, agrikultura, pinansiya, kakayahan ng produksyon, konstruksyon ng imprastruktura, konektibidad, at pagpapalitan ng mga tauhan, tungo sa pagsisimula ng bagong panahon ng all-weather na komprehensibong estratehikong partnership ng Uzbekistan at Tsina.
Salin: Kulas
Pulido: Rhio