Unang ginang ng Tsina’t Uzbekistan, nagtagpo

2024-01-25 16:16:18  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo, Enero 24, 2024, dito sa Beijing, kay Unang Ginang Ziroatkhon Mirziyoyeva ng Uzbekistan, pinapurihan ni Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina si Mirziyoyeva sa kanyang pagsisikap para sa kawanggawa at kapakanang pampubliko.

 

Sina Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina at Unang Ginang Ziroatkhon Mirziyoyeva ng Uzbekistan (photo from Xinhua)


Umaasa si Peng na mapapalakas ng dalawang bansa ang pag-aaral sa isa’t-isa hinggil sa pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan, paggarantiya sa mga may kapansanan at iba pang larangan upang maibigay ang benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag pa ni Peng, na nitong ilang taong nakalipas, masiglang umuunlad ang pagpapalitan at pagtutulungan sa kultura ng Tsina at Uzbekistan, kaya naman, nais niyang mapanatili ang tradisyonal na pagkakaibigan at tuluy-tuloy na mapaunlad ang hene-henerasyong pagkakaibigan ng mga Tsino at Uzbek.

 

Lubos namang pinahahalagahan ni Mirziyoyeva ang gawain ni Peng para sa pag-unlad ng usapin ng kababaihan at kabataan.

 

Magsisikap aniya siya upang aktibong pasulungin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang panig para ibigay ang ambag sa pagkakaibigan ng Tsina at Uzbekistan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio