Sa pag-usap, Enero 24, 2024, dito sa Beijing, nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Lionel Aingimea, Ministro sa mga Usaping Panlabas at Kalakalan ng Nauru, sinabi ng panig Tsino, na batay sa pangmatagalang pag-unlad at puntamental na kapakanan ng mga mamamayan ng bansa, ginawa ng pamahalaan ng Nauru ang kapasiyahang pulitikal upang kilalanin ang prinsipyong isang-Tsina, diplomatikong kumalas sa rehiyong Taiwan, at muling itayo ang relasyong Sino-Nauru.
Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Lionel Aingimea, Ministro sa mga Usaping Panlabas at Kalakalan ng Nauru (photo from Xinhua)
Nagkakaisa aniyang pinagtibay ng parliamento ng Nauru ang naturang kapasiyahan, na lubos na nagpapakita ng mithiiin ng mga mamamayan ng Nauru.
Pinapurihan ito ng Tsina, ani Wang.
Dagdag niya, kailangang mabuting pangalagaan ng dalawang panig ang pundasyong pulitikal ng relasyong Sino-Nauru at matatag na tumungo sa tumpak na direksyon.
Samantala, ipinahayag ni Aingimea na suportado ng kanyang bansa ang prinsipyong isang-Tsina, at ito ay priyoridad ng kanilang patakarang panlabas.
Nananalig aniya siya sa malawak na kinabukasan at maaasahang prospek ng relasyong Nauru-Sino.
Bukod diyan, nilagdaan din ng dalawang opisyal ang magkasanib na komunike sa muling pagtatayo ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio