Pambansang tagapayong panseguridad ng Amerika at ministrong panlabas ng Tsina, nagtagpo

2024-01-28 10:28:37  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Enero 26 hanggang 27, 2024 (lokal na oras), sa Bangkok, Thailand nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Jake Sullivan, Pambansang Tagapayong Panseguridad ng Amerika, pinag-usapan nila ang tungkol sa pagsasakatuparan ng napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa sa San Fransisco, at maayos na paghawak sa mahahalaga at sensitibong isyu sa relasyong Sino-Amerikano.


Nagkaroon ang kapuwa panig ng matapat, substansyal, at mabungang pagkokoordinahan.


Sinabi ni Wang na ang isyu ng Taiwan ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi mababago ng halalan sa rehiyong Taiwan ang pundamental na katotohanang isang bahagi ng Tsina ang Taiwan.


Hinimok niya ang panig Amerikano na tumalima sa prinsipyong isang-Tsina at tatlong magkakasanib na komunike ng relasyong Sino-Amerikano, at ipatupad ang pangako nitong hindi susuportahan ang “pagsasarili ng Taiwan” sa pamamagitan ng aktuwal na aksyon.


Bukod pa riyan, tinalakay ng kapuwa panig ang mga isyung panrehiyon at pandagdig na tulad ng Gitnang Silangan, Ukraine, Korean Peninsula, at South China Sea.


Salin: Lito

Pulido: Rhio