CCG, pinalayas ang barkong Hapones sa Diaoyu Island

2024-01-28 10:29:39  CMG
Share with:

Ipinahayag ni Tagapagsalita Gan Yu ng China Coast Guard (CCG), na ilegal na pumasok Enero 27, 2024 ang ilang barkong Hapones sa teritoryong pandagat ng Tsina sa Diaoyu Island.


Alinsunod sa batas, isinagawa aniya ng CCG ang kinakailangang hakbangin at pinalayas ang mga barkong Hapones.


Hinihimok ng panig Tsino ang panig Hapones na agarang itigil ang lahat ng ilegal na aksyon sa karagatan ng Diaoyu Island, diin pa ni Gan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio