Tsina sa Pilipinas: itigil ang probokasyon sa SCS

2024-01-28 15:19:54  CMG
Share with:

Ipinahayag ni Tagapagsalita Gan Yu ng China Coast Guard (CCG), na noong Enero 21, ini-airdrop ng isang maliit na eroplano ng Pilipinas ang suplay sa ilegal na “stranded” na pandigmaang bapor sa Ren’ai Reef.


Alinsunod sa batas, isinagawa ng CCG ang hakbangin ng pagkontrol at pangangasiwa, at ginawa ang pansamantalang espesyal na pagsasaayos sa materyal na kailangan sa pampamumuhay ng panig Pilipino.


Ani Gan, binabalewala ng kaukulang panig ng Pilipinas ang katotohanan at gumagawa ng masamang pagpupukaw sa pangyayaring ito.


Ito aniya ay hindi nakakatulong sa pagpapahupa ng maigting na situwasyon sa South China Sea.


Pinapayuhan aniya ng panig Tsino sa panig Pilipino na itigil ang probokasyon, dahil buong tatag na ipagtatanggol ng panig Tsino ang soberanya at kapakanang pandagat ng bansa.


Salin: Lito

Pulido: Rhio