Tsina at Thailand, papasok sa “visa-free era”

2024-01-29 11:14:04  CMG
Share with:

Isang seremonya ng paglagda sa mutual visa exemption agreement, ang idinaos ng pamahalaang Tsino at pamahalaang Thai, Enero 28, 2024 (lokal na oras) sa Bangkok.


Dumalo rito sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Parnpree Bahiddha-Nukara, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand.


Magkakabisa ang nasabing kasunduan mula unang araw ng darating na Marso.


Salin: Lito

Pulido: Rhio