Ministrong Panlabas ng Tsina at Thailand, nagtagpo

2024-01-29 10:36:39  CMG
Share with:

Bangkok Sa pagtatagpo, Enero 28, 2024 (lokal na oras) nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Parnpree Bahiddha-Nukara, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Thailand, ipinahayag ng panig Tsino, na ang susunod na taon ay ika-50 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Thailand, at nahaharap sa bagong pagkakataon ang kapuwa bansa at konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Thai.


Ani Wang, kasama ng panig Thai, nakahandang magsikap ang Tsina upang maitayo ang mas matatag, mas masagana, at mas sustenableng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Thai; mapalakas ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t-ibang larangan; at walang patid na mapayaman ang mga bagong nilalaman ng relasyon ng kapuwa bansa.


Ipinahayag naman ni Parnpree ang pagpapahalaga ng panig Thai sa komprehensibo’t estratehikong partnership sa Tsina.


Lubos aniyang pinahahalagahan ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng mapagkaibigang pakikipagkooperasyon sa Tsina.


Ito aniya ay hindi lamang angkop sa komong kapakanan ng kapuwa bansa, kundi napakahalaga rin sa kapayapaan at katatagang pandaigdig.


Sinabi pa niyang matatag na iginigiit ng panig Thai ang prinsipyong isang-Tsina, at hindi isasagawa ang anumang opisyal na pagpapalagayan sa Taiwan.


Kasama ng panig Tsino, nakahanda ang panig Thai na palalimin ang pagpapalitang tao-sa-tao, palakasin ang kooperasyong Thai-Sino sa mga larangang tulad ng luntiang pag-unlad, at didyital na ekonomiya upang ibayong mapasulong ang pagtatamo ng mas malaking progreso, dagdag niya.


Hangaan ani Parnpree ang panig Thai sa ibinibigay na positibong ambag ng Tsina sa pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig at pagpapasulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.


Salin: Lito

Pulido: Rhio