Ikatlong ensayo ng 2024 CMG Spring Festival Gala, idinaos

2024-01-29 11:23:12  CMG
Share with:

Idinaos, Enero 28, 2024, ang ikatlong ensayo ng 2024 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Ang panonood ng Spring Festival Gala tuwing bisperas ng Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino ay isa nang di-mawawalang sangkap ng pagdiriwang ng mga Tsino sa importanteng okasyong ito.

 

Kaya naman, taglay ng pagtatanghal ngayong taon ang mga inspirasyon mula sa mga tradisyunal na elemento ng kulturang Tsino.

 


Bukod diyan, ipapakita rin dito ang kumpiyansa’t hangarin ng mga Tsino para sa maligayang buhay, at paglalahad ng mabuting pagbati para sa buong mundo.

 

Ilan sa mga malikhaing tampok na pagtatanghal ay mga sayaw, kanta, akrobatika, at iba pa.

 


Ang Spring Festival Gala crew ngayong taon ay patuloy na magbibigay ng mainit na panghalina sa libu-libong taong nagsisikap at nagpapawis upang magkaroon ng mas magandang buhay.

 

Dagdag pa riyan, inilunsad din ng CMG, Enero 26, 2024, sa New York, Estados Unidos ang aktibidad na tinaguriang “Spring Festival Overture.”

 

Isasagawa rin ang makukulay na aktibidad sa Switzerland, Kenya at ibang mga bansa, para ibahagi ang natatanging pambighani ng Pestibal ng Tagsibol at kulturang Tsino.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio