Pangulong Xi, binati si Azali para sa kanyang muling pagkahalal bilang Pangulo ng Comoros

2024-01-30 16:26:33  CMG
Share with:

Ipinaabot, Enero 28, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati kay Azali Assoumani para sa kanyang muling pagkahalal bilang Pangulo ng Union of Comoros.

 

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Comoros ay mabuting magkaibigan na nagtitiwalaan sa isa’t isa. Sa nakalipas na ilang taong, mabilis aniyang umuunlad ang relasyon ng dalawang bansa at masagana ang bunga ng aktuwal na kooperasyon sa iba’t ibang larangan, buong tatag na sinusuportahan ng dalawang panig ang isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa pangunahing interes at kapuwa nila pinahahalagahan.

 

Nakahanda si Pangulong Xi na magsikap, kasama ni Pangulong Azali para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyong Sino-Comoros at mas mahusay na benepisyunan ang kanilang mga mamamayan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil