FM ng Tsina at Tagapangulo ng UNGA, nagtagpo

2024-01-31 14:23:00  CMG
Share with:

Nagtagpo, Enero 30, 2024, sa Beijing, sina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at Dennis Francis, Tagapangulo ng Ika-78 Pangkalahatang Asembleya ng United Nations (UNGA).

 

Sinabi ni Wang na ang Tsina ay isang masugid na tagapagtaguyod ng multilateralismo, tagapagtanggol ng Karta ng UN, at tagapagpatupad ng pandaigdigang batas.

 

Aniya, susuportahan ng Tsina ang sentrong papel ng UN sa pandaigdigang sistema ng pamamahala, at pagganap ng UNGA ng mas aktibo at importanteng papel alinsunod sa Karta ng UN.

 

Kaugnay ng nakatakdang pagdaraos ng Summit of the Future ng UN sa Setyembre ngayong taon, sinabi ni Wang na umaasa ang Tsina na makagagawa ito ng praktikal na solusyon para sa mga kasalukuyang pandaigdigang isyu.

 

Sinabi naman ni Francis, na palagiang iginigiit ng UN ang prinsipyong isang-Tsina.

 

Aniya, pinahahalagan ng UN ang pangmatagalang suporta ng Tsina para sa multilateralismo at mga gawain ng UN. Hinahangaan din aniya ng UN ang mga mahalagang inisyatiba at proposisyong iniharap ng Tsina.

 

Nakahanda ang UN na palalimin ang kooperasyon sa Tsina, para tugunan ang mga pandaigdigang hamon, dagdag niya.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil