Pagbati para sa Pestibal ng Tagsibol sa mga beteranong militar, ipinaabot ni Xi

2024-01-31 11:27:07  CMG
Share with:

Beijing - Ipinaabot ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Tagapangulo ng Central Military Commission (CMC), ang pagbati para sa Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino sa mga beteranong militar ng bansa, nang dumalo siya sa isang gala na idinaos ng CMC nitong Lunes, Enero 29, 2024 para sa mga retiradong militar na opisyal ng tropang nakabase sa Beijing.

 

Sa kanyang pakikipag-usap sa mga beterano, nalaman ni Xi ang kalagayan ng kalusugan at pamumuhahay ng mga beterano. Sama-sama rin nilang nilingon ang mga pangunahing katuparang natamo ng Partido, bansa at militar nitong nakaraang taon.

 

Ipinangako ng mga beterano na ipatupad ang sistema ng sukdulang responsibilidad na nakasalalay sa tagapangulo ng CMC, para gawin ang bagong ambag sa pagtatag ng isang malakas na bansa, at isakatuparan ang dakilang pag-ahon ng nasyon sa lahat ng mga larangan sa pamamagitan ng landas ng modernisasyong Tsino.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil