Mensaheng pambati, ipinadala ni Pangulong Xi Jinping kay Sultan Ibrahim

2024-01-31 16:05:20  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala, Enero 31, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Sultan Ibrahim Sultan Iskandar bilang pagbati sa kanyang panunungkulan bilang bagong hari ng Malaysia.


Tinukoy ni Xi na sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysia noong 1974, iginigiit ng kapuwa bansa ang paggagalangan sa isa’t-isa, pagkakapantay-pantay at pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan, at kooperasyon tungo sa panalu-nalong resulta, natamo ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangan ang mahalagang bunga, at napapanatili ng bilateral na relasyon ang tunguhin ng mainam na pag-unlad.


Ani Xi, nakahanda siyang magsikap kasama ni Ibrahim, upang ibayong mapasulong ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Malaysia, makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan, at makapagbigay ng mas malaking ambag sa kasaganaan at katatagang panrehiyon.


Salin: Lito

Pulido: Ramil