Kultura ng loong o Chinese Dragon sa katutubong sining ng mga Tsino

2024-01-31 14:37:11  CMG
Share with:

Bilang simbolo ng Nasyong Tsino, ang loong o Chinese dragon ay hindi lamang may kaugnayan sa korte ng hari noong sinaunang panahon, kundi nakikita pa ito sa iba’t-ibang porma ng katutubong sining.

Ipinakikita nito ang napakalalim na pagsamba ng mga Tsino sa mascot at pagmamana ng pamanang kultural sa hene-henerasyon.

Ayon sa tradisyonal na kalendaryong Tsino, ang taong 2024 ay Taon ng Dragon (Loong).

Upang salubungin ang bagong taong Tsino, pinasinayaan ng mga museo sa iba’t-ibang lugar ng Tsina ang mga espesyal na eksbisyon upang alamin ng mga tao ang mas maraming impormasyon tungkol sa kulturang loong.


Salin: Lito

Pulido: Ramil