Mga tampok na teknolohikal ng 2024 Spring Festival Gala, ipinakilala ng CMG

2024-02-01 19:55:28  CMG
Share with:

Idinaos Huwebes, Pebrero 1, 2024 sa Beijing ng China Media Group (CMG) ang preskon hinggil sa 2024 Spring Festival Gala na gaganapin Pebrero 9, 2024.

 

Sa preskon, inilahad ng CMG ang mga katangian ng programa at inobasyong panteknolohiya ng gala, kung saan ipakikilala ang makabagong paggamit ng virtual production (VP) film production mode at paglikha ng extended reality (XR) at VP fusion ultra-high-definition production system, na gagawing isang kahanga-hanga at parang buhay na espasyong virtual-physical.

 

Ayon sa preskon, ang mga teknolohiya na gagamitin sa gala ay nakakatugon sa kahilingan ng mga manonood ng TV, public screen at outdoor ultra-high-definition screen, at mobile phone.

 

Tulad ng lagi, ang mga programa ng taunang gala ay makakalikha ng maligayang atmospera ng pestibal at magpapakita ng masayang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino sa iba’t-ibang pook ng bansa sa makabagong biyahe ng paghahangad ng magandang kinabukasan.

 

Bukod dito, isinapubliko sa preskon ang deseniyo sa main venue ng gala sa Beijing at 4 na sub-venue na matatagpuan sa mga lunsod na Shenyang, Xi'an, Kashgar, at Changsha.

 

Ang 2024 Spring Festival, na kilala rin bilang Chinese New Year, ay natatapat sa February 10, 2024.

 

Ang Spring Festival Gala na nagsimulang idaos noong 1983 ay ginaganap sa bisperas ng Spring Festival.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade