Sa pakikipagtagpo, Enero 30, 2024, sa Beijing, ni Wang Xiaohong, Kasangguni ng Estado at Direktor ng National Narcotics Control Commission ng Tsina (NNCC), sa isang delegasyong inter-ahensyang Amerikano na pinamunuan ni Jen Daska, Deputy Assistant ng Pangulo ng Estados Unidos, at opisyal na pinasimulan ng dalawang panig ang China-U.S. Counternarcotics Working Group.
Sa nakalipas na taon, nagsisikap ang Amerika na pasulungin ang kooperasyon sa Tsina sa larangan ng paglaban sa droga, para lutasin ang pagkontrol ng fentanyl sa lipunang Amerikano.
Ang fentanyl ay isang matapang na opioid na madalas ginagamit sa clinical analgesia at anesthesia.
Ngunit, dahil sa pangmatagalang abusong umiiral sa Amerika, ang fentanyl ay naging isang mapagpahamak na droga sa lipunan.
Ayon sa datos ng Drug Enforcement Administration ng Amerika (DEA), ang fentanyl ay naging isa sa mga pangunahing dahilan ng kamatayan ng grupong may edad 18 hanggang 45 sa bansa.
Dahil sa umiiral na kadena ng interes sa pagitan ng mga pulitiko, kompanyang pamparmasya, doktor at botika, at kakulangan ng pamamahala ng gobyerno ng Amerika, ibinubunsod ang pag-abuso ng fentanyl sa Amerika.
Samantala, palagiang pinalalakas ng Tsina ang paglaban sa droga. Noong Mayo, 2019, nanguna ang Tsina sa buong mundo sa maayos na pagkakategorya at mahigpit na pagkontrol ng mga gamot na may fentanyl.
Gayunpaman, hanggang ngayon, hindi pa pormal na makategorya at makontrol ng Amerika ang fentanyl.
Ang kooperasyong Sino-Amerikano sa paglaban sa droga ay makakatulong sa pagkontrol ng pang-aabuso ng fentanyl sa Amerika, pero hindi ito ang susing pamamaraan.
Kung gustong lubos na lutasin ang krisis ng fentanyl, dapat harapin ng Amerika ang sariling problema at isagawa ang mga praktikal na aksyon sa loob ng bansa.
Salin: Kulas
Pulido: Ramil