Ikalimang round ng negosasyon para sa China-ASEAN FTA 3.0, idinaos sa Hangzhou

2024-02-01 16:32:52  CMG
Share with:

 

Idinaos, Enero 31, 2024 sa Lunsod Hangzhou, lalawigang Zhejiang ang seremonya ng pagbubukas ng ikalimang round ng negosasyon para sa  China–Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Free Trade Area (FTA) 3.0.

 

Sinabi ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na nakahanda ang Tsina, kasama ng ASEAN na tapusin ang negosasyon sa lalong madaling panahon upang palawakin ang praktikal na kooperasyon sa mga bagong-sibol na larangang gaya ng kalakalan ng intermediate goods, didyital na kalakalan, cross-border e-commerce, at berde at mababang karbong industriya.

 

Ang ikalimang round ng negosasyon sa China–ASEAN FTA 3.0 ay idaraos mula Enero 29 hanggang Pebrero 2 ng kasalukuyang taon, at dinaluhan ng halos 400 opisyal mula sa Tsina, 10 bansang ASEAN, at ASEAN Secretariat.

 

Salin: Siyuan Li

Pulido: Ramil