Dapat pasulungin ang bagong kalidad ng produktibidad at de-kalidad na pag-unlad—Xi Jinping

2024-02-01 15:27:27  CMG
Share with:

Sa group study session ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) kahapon, Enero 31, 2024, idiniin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulong Tsino, na dapat buong sikap na pasulungin ang bagong kalidad ng produktibidad at de-kalidad na pag-unlad.

 

Ani Xi, ang de-kalidad na pag-unlad ay matibay na prinsipyo ng makabagong panahon.

 

Kailangang patuloy na pahigpitin ang inobasyon para pabilisin ang pag-unlad ng bagong kalidad ng produktibidad, dagdag pa ni Xi.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil