Sa ilalim ng temang “Pagdating ng Pestibal ng Tagsibol ng Tsina, at Panonood ng Spring Festival Gala CMG,” idinaos ng China Media Group (CMG), Enero 31, 2024 (lokal na oras) sa Nairobi, Kenya ang aktibidad na tinaguriang “Spring Festival Overture.”
Layon nitong pasulungin ang pandaigdigang pagpapalitang pangkultura sa pamamagitan ng Pestibal ng Tagsibol.
Dumalo sa aktibidad ang mahigit 200 panauhing kinabibilangan nina Zainab Hawa Bangura, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) at Direktor-Heneral ng Tanggapan ng UN sa Nairobi, Zhou Pingjian, Embahador ng Tsina sa Kenya, at mga diplomata ng mga bansa sa Kenya at UN.
Sa kanyang video speech, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang Pestibal ng Tagsibol ay ang pinakamahalagang tradisyonal na kapistahan ng Tsina, at ipinagdiriwang ng halos 1/5 populasyon ng buong mundo sa iba’t-ibang porma.
Aniya, ang panonood sa Spring Festival gala ay kaugaliang pambagong-taon ng mga Tsino.
Sa pamamagitan ng bentahe ng CMG, isasahimpapawid ang naturang gala sa buong mundo para maipamalas sa mga mamamayan ng iba’t-ibang bansa ang espesyal na pang-akit ng Pestibal ng Tagsibol at kulturang Tsino, dagdag pa niya.
Ipinahayag ni Bangura na ang kasalukuyang taon ay unang pagkakataon ng pagtiyak ng UN ng Pestibal ng Tagsibol bilang bakasyon ng UN.
Sa ngalan ng tanggapan ng UN sa Nairobi, bumati siya ng kapayapaan, kasaganaan, at kaligayahan sa lahat ng mga tao na nagdiriwang sa pestibal na ito.
Ipinahayag naman ni Zhou Pingjian ang pag-asang maharmoniyang makikipamuhayan ang iba’t-ibang sibilisasyon sa daigdig at magkakapit-bisig na ipapatupad ang Global Civilization Initiative para aktibong mapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Salin: Lito
Pulido: Ramil