China Pavilion ng 2025 World Exposition, sinimulan nang itayo

2024-02-02 16:33:41  CMG
Share with:

Idinaos Biyernes, Pebrero 2, 2024 sa Lunsod Osaka ng Hapon ang seremonya ng pagtatayo ng China Pavilion ng 2025 World Exposition na gaganapin mula Abril 13 hanggang Oktubre 13 ng taong ito.


Sa seremonya, ipinahayag ni Wu Jianghao, Embahador Tsino sa Hapon na maganda ang pundasyon ng kooperasyon ng Tsina at Hapon hinggil sa World Exposition.


Ani Wu, layon ng China Pavilion na ihatid ang modernisadong sibilisasyon ng Tsina, mga panibagong natamong bunga ng bansa at bukas, inklusible at mapagkaibigang imaheng Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade