Iba’t ibang katugong hakbang sa taglamig, isinasagawa ng Tsina

2024-02-02 18:18:00  CMG
Share with:

Habang umuulan, pumapatak ang niyebe, at nagyeyelo sa maraming lugar, nagasasagawa ng mga hakbangin ang mga pamahalaang lokal at sentral ng Tsina upang protektahan ang Spring Festival travel rush at pamumuhay ng mga tao.

 

Ayon sa pagtaya ng mga ahensya ng meteorolohiya, sa mga darating na araw, ang gitna at silangang bahagi ng bansa ay makakaranas ng malawak at tuluy-tuloy na mababang temperatura, ulan, niyebe at yelo, kung saan sa ilang lugar, ang kabuuang dami ng niyebe ay higit pang tataas sa historikal na antas sa parehong panahon.

 

Kasabay ng Spring Festival travel rush, ang mga lalawigang tulad ng Henan, Hunan, at Anhui ay nagsasagawa ng agarang aksyon at aktibong nagpapatupad ng mga hakbangin bilang tugon, para matiyak ang maayos na paglalakbay ng mga pasahero at mapanatiling normal ang produksyon at pang-araw araw na buhay.

 

Salin: Bai Ruiyan

Pulido: Ramil/Jade