Xiao Nian o Maliit na Bagong Taon, prologo ng Pestibal ng Tagsibol

2024-02-02 16:46:36  CMG
Share with:

Ipinagdiriwang ngayong araw, Pebrero 2, 2024 ng mga Tsino ang Xiao Nian, na nangangahulugang “Maliit na Bagong Taon.” Kilala rin ito bilang araw ng pagsamba sa Diyos ng Kusina.

 

Ayon sa mitolohiyang Tsino, bumabalik ang Diyos ng Kusina sa langit, tuwing sasapit ang araw ng Xiao Nian, para mag-ulat kay Emperador Jade, Diyos ng Kalangitan, tungkol sa nakita niyang situwasyon ng bawat sambahayan noong nakaraang taon.

 

Naghahandog ang mga tao ng iba’t-ibang uri ng pagkain na kinabibilangan ng tikoy, suman, at iba pa, at Tang Gua, isang uri ng matamis at malagkit na kending gawa sa maltose.

 

Inaasahan ng mga tao na pagkatapos kumain ng Tang Gua ang Diyos ng Kusina, siya’y magsasabi ng mga mabubuti bagay kay Emperador Jade tungkol sa mga pamilya para maging masuwerte ang buhay nila sa bagong taon.

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil