Nagpadala Biyernes, Pebrero 2, 2024 sina Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulong Tsino, at Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) ng mensahe sa isa’t isa bilang pagbati sa Spring Festival.
Sa kanyang mensahe, tinukoy ni Xi na sa taong 2024, nakahanda siyang panatihilihin, kasama ni Nguyen, ang mahigpit na pag-uugnayan, at pasulungin ang de-kalidad na kooperasyon at pagpapalitan sa iba’t ibang larangan at antas, para pasulungin ang modernisadong usapin ng dalawang bansa at kasaganaan at kaunlaran ng rehiyong Asya-Pasipiko.
Ipinahayag naman ni Nguyen na palagiang pinahahalagahan niya ang pagpapalitan at pag-uugnayan kay Xi.
Aniya, nakahanda siyang patuloy na pasulungin ang pagsasakatuparan ng mga mahalagang komong palagay at kasunduan na narating ng dalawang bansa nang isagawa ni Xi ang dalaw-pang-estado sa Biyetnam noong Disyembre ng taong 2023.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Jade