Kinumpleto ng C919 ang “debut” ng paglalakbay sa Piyesta ng Tagsibol

2024-02-02 09:29:08  CMG
Share with:

Kamakailan, ang malaking eroplano na C919 ng China Eastern Airlines Co., Ltd. ay nagdala ng 111 pasahero sa kanyang unang biyahe para sa Piyesta ng Tagsibol, mula Shanghai papuntang Chengdu. Ito ang unang pagkakataon ng C919 na nagsilbi para sa paglalakbay sa Pestibal ng Tagsibol.

 

Ang Enero 26 ay ang unang araw ng paglalakbay sa Piyesta ng Tagsibol ngayong taon. Sa araw na iyon, lahat ng apat na C919 ng China Eastern Airlines ay nagsilbi para sa piyestang ito sa mga rutang Beijing-Shanghai at Shanghai-Chengdu.

 

Mula sa unang komersyal na paglipad noong Mayo 28, 2023 hanggang Enero 10, 2024, ang apat na C919 ng China Eastern Airlines ay nagsagawa ng kabuuang 713 mga komersyal na biyahe, na nagdala ng 89,000 person-time na pasahero.

 

Salin: Xu Nuo

Pulido: Ramil