Premyer Tsino, umaasang mapapahigpit ang pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at ASEAN

2024-02-02 21:21:54  CMG
Share with:

Pagbibigay talumpati ni Punong Ministro Kikeo Khaykhamphithoune ng Laos (pasasalamat para sa kuhang larawan: Jensen Moreno)

Sa kanyang mensaheng pambati sa seremonya ng pagbubukas ng Taon ng Pagpapalitang Tao-sa-Tao ng Tsina at ASEAN na idinaos Biyernes, Pebrero 2, 2024, ipinahayag ni Premyer Li Qiang ng Tsina na umaasa siyang sasamantalahin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagkakataon ng taon ng pagpapalitan para magkasamang isakatuparan ang Global Civilization Initiative, patingkarin ang sense of value ng Asya na mapayapa, kooperatibo, at inklusibo, pasulungin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan at itatag ang mas mahigpit na komunidad ng Tsina’t ASEAN na may pinagbabahaginang kinabukasan, at sama-samang itayo ang tahanang mapayapa, matatag, masagana, maganda at mapagkaibigan.

Jensen Moreno at mga imbitadong tagapagsalita mula sa iba't ibang bansa ng ASEAN (pasasalamat para sa kuhang larawan: Jensen Moreno)

Sinabi ni Li na ang Timog-silangang Asya ay mahalagang lugar ng maritime silk road at sa kasalukuyan, maganda ang tunguhin ng pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, at masagana ang natamong bunga ng dalawang panig sa iba’t ibang larangan.

Nang araw ring iyon, nagpadala rin si Sonexay Siphandone, Punong Ministro ng Laos ng mensaheng pambati sa seremonya ng pagbubukas. Ang Laos ay kasalukuyang tagapangulong bansa ng ASEAN.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Jade