Barkong pangkalakal ng Britanya sa Red Sea, sinalakay ng Yemeni Houthis

2024-02-02 18:20:03  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag ng isang tagapagsalita ng Yemeni Houthis, Pebrero 1, 2024, nagpaputok ng maraming missile ang grupo sa isang barkong pangkalakal sa Red Sea upang pigilan ito na maglayag patungo sa isang puwerto sa Israel.

 

Sa pahayag, hindi binanggit ang pangalan ng barko at hindi rin nila ibinunyag kung tumama ang missile sa target.

 

Sinabi naman nang araw ring iyon ng British Maritime Trade Action Office, na isang barkong pangkalakal ang nag-ulat ng pagsabog sa Red Sea, mga 57 nautical milya ang layo sa dakong kanluran ng lungsod ng Hodeidah, Yemen, noong tanghali sa araw na iyon. Walang pinsala ang idinulot ng pagsabog sa katawan ng barko at wala ring sinumang sakay ang nasugatan.

 

Salin: Xu Nuo

Pulido: Ramil/Jade