EU, pumayag magbigay ng 50 bilyong Euro na ayuda sa Ukraine

2024-02-02 17:00:10  CMG
Share with:

Ipinahayag, Pebrero 1, 2024 ni Charles Michel, Presidente ng European Council sa social media, na ang espesyal na summit ng European Union (EU), na ginanap sa Brussels, kabisera ng Belgium ay umabot sa isang kasunduang magkakaloob ng 50 bilyong Euro na tulong sa Ukraine.

 

Noong nakaraang Disyembre, dahil sa pagsalungat ng Hungary, nabigo ang mga pinuno ng EU na maabot ang isang plano na tulungan ang Ukraine, at mula noon, sinusubukan ng mga opisyal ng EU na maabot ang isang kompromiso sa Hungary.

 

Sa isang araw na espesyal na summit ng EU, tinalakay ng mga lider ng miyembrong estado ng EU ang mga isyu tulad ng Multi-annual Financial Framework ng EU, tulong sa Ukraine, at sitwasyon sa Middle East.


Salin: Li Siyuan

Pulido: Ramil/Jade