Tsina, iginigiit ang pagtahak ng landas tungo sa mapayapang pag-unlad

2024-02-03 11:00:34  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni William Burns, Direktor ng Central Intelligence Agency (CIA) ng Amerika, na inilaan na ng kanyang bansa ang mas maraming yaman sa pagkolekta, pag-analisa at pagkilos sa mga impormasyon tungkol sa Tsina.


Nitong 2 taong nakalipas, dinagdagan ng mahigit isang ulit ang badyet ng gawain ng CIA sa Tsina, aniya.


Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 2, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na iginigiit ng Tsina ang pagtahak ng landas tungo sa mapayapang pag-unlad.


Ang kaunlaran ng Tsina ay nagsisilbing pagkakataon sa pag-unlad ng daigdig at nagiging paglaki ng mapayapang puwersa sa daigdig, aniya.


Tulad ng dati, pinabubuti ng panig Tsino ang mga hakbangin upang biguin ang ilegal na kilos ng panig Amerikano, dagdag pa niya.


Salin: Lito