Isinagawang CGTN poll, mahigit 90% ng mga tumugon ang malupit na pinupuna ang mga Amerikanong pulitiko

2024-02-03 20:59:54  CMG
Share with:

Noong Enero 31 2024, sa isang pagdinig sa Washington, D.C., si Tom Cotton, Senador ng Komite ng Hudikatura ng Senado, ay nagbitaw ng mga serye ng ignoranteng "mga tanong" kay TikTok CEO Shou Zi Chew, na paulit-ulit na tinatanong kung siya ay may pagkamamamayang Tsino at kung miyembro ba ng Partido Komunista ng Tsina (CCP), at iba pa. Ang palpak na pagganap ng mga Amerikanong mambabatas sa pagdinig ay naging paksa ng isang pag-uusap ng mga netizen sa buong mundo.


Ayon sa inilabas na CGTN poll, para sa mga pandaigdigang netizen, higit 90% ng mga netizen (90.7 %) ang naniniwala na ang mga katanungan ng ilang mga Amerikanong mambabatas ay nagpapakita ng kanilang kamangmangan, arogante, at paninira sa Tsina, na sa bandang huli ay makakasira sa matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.


Nalaman sa survey na 86.5% ng mga pandaigdigang tumugon ang naniniwala na ang pagganap ni Cotton ay lubhang hindi propesyonal. Sa mga salita ng isang CGTN netizen, “Mababa ang intelihensiya, halatang hindi propesyonal, at kulang sa pangunahing turo. Ang tipikal na palabas ng mga Amerikanong pulitiko ay ipinapakita para makita ng buong mundo."


Ang mas masahol pa, ang ganitong "parsa", na walang sentido komun at propesyonalismo, ay nangyari nang higit sa isang beses sa Kongreso ng Amerika. Noong Marso ng nakaraang taon, sa isang pagdinig ng Komite sa Enerhiya at Komersyo ng Kamara, mahigit 50 kongresista ang nagtanong kay Shou ng higit sa 200 marahas na mga tanong, matalas, mapanlinlang, at walang pangunahing sentido komun sa isang mapagpakumbabang tono. Masungit pa nilang pinutol siya para pigilan sa mga detalyadong paliwanag.


Ayon sa poll, 87.7% ng mga tumugon ang naniniwala na ito ay seryosong nagpapahina sa layunin at kawalang-kinikilingan ng lehislatura ng Amerika, at ito ay isang ganap na "pagpapalagay ng pagkakasala". Ang isa pang 85.3% ng mga tumugon ay sumang-ayon na hindi nila naranasan ang tinatawag ng mga Amerikanong mambabatas na mga alalahanin sa seguridad ng impormasyon kapag gumagamit ng Tik Tok.


Sa ngayon, ang gobyerno ng Amerika ay hindi nagbigay ng anumang katibayan na ang Tik Tok ay isang banta sa pambansang seguridad ng Amerika. Ngunit, paulit-ulit at hindi makatwiran nitong sinupil ang ilang kumpanya at lumikha ng kaguluhan sa isyu ng Tsina. Ang tunay na layunin ay mapanatili ang siyentipiko at teknolohikal na monopolyo nito habang inaalis sa ibang mga bansa ang kanilang lehitimong karapatan sa pag-unlad.


Ayon sa survey, 76.6% ng mga pandaigdigang tumugon ang naniniwala na ang hakbangin ng Amerika ay lehitimong kulang, seryosong sumisira sa patas na internasyonal na mga panuntunan sa kalakalan, at nilalagay sa alanganin ang libreng pandaigdigang pamilihan. Bukod pa rito, 87.3% ng mga tumugon ang naniniwala na ang diskriminadong pagtatanong at pagbibigay-parusa ng mga Amerikanong pulitiko sa mga kumpanya ng teknolohiya sa ibang mga bansa ay seryosong humahadlang sa malayang daloy ng agham at teknolohiya, at sa huli ay babalikan ang teknolohikal na pag-unlad ng Amerika.


Ang CGTN poll na inilabas sa plataporma ng Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe at Ruso ay may mahigit 17,000 katao ang bumoto sa loob ng 24 na oras.


Salin: Lito

Pulido: Ramil