Theme day activity ng Spring Festival gala, pinasinayaan sa Dubai

2024-02-03 11:02:47  CMG
Share with:

Pinasinayaan Pebrero 2, 2024 (lokal na oras) sa Burj Khalifa Park, landmark ng Dubai ang theme day activity na tinaguriang “Pagbati sa Taon ng Dragon.”

Dumalo sa aktibidad ang mahigit 1 libong personaheng kinabibilangan ng diplomata ng consulate general ng Tsina sa Dubai, namamahalang tauhan ng mga kompanyang pinatatakbo ng pondong Tsino sa United Arab Emirates (UAE), mga kinatawan ng media, overseas at ethnic Chinese, at mga dayuhang kaibigan.

Ipinahayag ni Li Xuhang, consul general ng Tsina sa Dubai, na ang kasalukuyang taon ay hindi lamang ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, kundi ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina UAE.

Inaasahan aniya siyang sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, patuloy na mapapalakas ng dalawang bansa ang pagpapalitan at ipagpapatuloy ang pagkakaibigan ng kapuwa bansa.


Salin: Lito