Ipinalabas Enero 31, 2024 ni Philippine National Security Adviser Eduardo Año ang pahayag tungkol sa pangbabatikos ng posisyon at paninindigan ng Tsina sa isyu ng Huangyan Island.
Kaugnay nito, ipinahayag Enero 2, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Huangyan Island ay teritoryo ng Tsina, at may di-mapapabulaanang soberanya ang Tsina sa Huangyan Island at nakapaligid na karagatan.
Aniya, sustenable, mapayapa, at mabisang isinasagawa ng Tsina ang soberanya at hurisdiksyon sa Huangyan Island.
Tinukoy niya na ang teritoryo ng Pilipinas ay tiniyak batay sa serye ng kasunduang pandaigdig na kinabibilangan ng 1898 Treaty of Peace between the United States of America and the Kingdom of Spain, 1900 Treaty between the United States of America and the Kingdom of Spain for Cession of Outlying Islands of the Philippines, at 1930 Convention between His Majesty in Respect of the United Kingdom and the President of the United States regarding the Boundary between the State of North Borneo and the Philippine Archipelago.
Diin ni Wang na di kailanma’y nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ang Huangyan Island.
Sinabi niya na ang South China Sea arbitration ay ganap na panlilinlang na pulitikal ng panig Pilipino upang makamit ang ilegal na kapakanan.
Ilegal at walang bisa ang arbitrasyong ito at hindi ito tatanggapin at kikilalanin ng panig Tsino, diin pa niya.
Salin: Lito
Pulidoi: Ramil