Aktibidad na “Spring Festival Overture,” idinaos sa Laos

2024-02-04 15:43:32  CMG
Share with:

 

Idinaos, Pebrero 1, 2024 sa Laos ang serye ng mga aktibidad ng China Media Group (CMG) na tinaguriang “Spring Festival Overture at Global View ng Spring Festival Gala.”

 

Ipinahayag ni Sonexay Siphandone, Punong Ministro ng Laos, na ang nabanggit na aktibidad ay nagpapasulong ng pagkaunawaan ng mga mamamayan ng Tsina at Laos.

 

Sinabi niya na ang mga aktibidad ng CMG ay nakakatulong sa pag-unlad ng industriya ng turismo ng kanyang bansa at pagkaalam ng mga mamamayang Lao sa kultura at sining ng Tsina.

 

Kabilang sa mga aktibidad ay ang pagbibigay ng mga souvenir hinggil sa Spring Festival Gala, pagsasahimpapawid ng promotional video, at pagtatanghal ng mga tradisyonal na sining ng bayan ng Tsina.

Salin: Ernest

Pulido: Ramil