PBBM, bumati sa Chinese Spring Festival

2024-02-04 18:16:20  CMG
Share with:

Sa kanyang mensaheng pambati Pebrero 2, 2024, para sa 2024 Chinese Spring Festival, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos (PBBM) ng Pilipinas na ang Spring festival o Chinese New Year sa Lunar calendar ay pinakamahalaga at pinakamakabuluhang pestibal ng kaibigang Tsino.


Ani Pangulong Marcos, ang pagdiriwang ng Spring Festival ay naging bahagi na ng kulturang Pilipino at itinakda ng pamahalaang Pilipino na gawing espesyal na bakasyon ng bansa ang pagdiriwang.


Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang mahalagang ambag ng mga kaibigang Tsino at Filipino-Chinese para sa pambansang pag-unlad at umaasa siya na patuloy na magbibigay ang Tsina at mga kaibigang Tsino ng positibong ambag para sa pag-unlad ng Pilipinas.

Nang araw ring iyon, idinaos ng Embahadang Tsino ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Chinese New Year sa Manila.

Bumigkas ng nasabing mensahe si Jesus Domingo, Undersecretary ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

Dumalo rin sa respsyong sina First Lady Liza Marcos at naghatid si Pangalawang Pangulong Inday Sara Duterte ng kanyang mensahe sa pamamagitan ng video.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil