Pamumuhunan ng Tsina sa labas, matatag na umuunlad

2024-02-04 15:45:37  CMG
Share with:

Ayon sa datos na inilabas nayong araw, Pebrero 4, 2024 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong isang taon, ang direktang pamumuhunan ng mga industriya ng Tsina sa labas ay umabot sa mahigit 1 trilyong yuan RMB na lumaki ng 5.7% kumpara sa taong 2022.

 

Bukod dito, ang mga kinita mula sa mga kinontratang proyekto ng Tsina sa ibayong dagat ay umabot sa mahigit 1.1 trilyong yuan RMB na lumaki ng 8.8% kumpara sa taong 2022.

 

Ito ay nagpapakita na matatag ang pag-unlad ng kooperasyong pampamumuhunan ng Tsina sa ibayong dagat.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil