Air raid ng tropang Amerikano sa Iraq, 41 katao ang kasuwalti

2024-02-04 13:03:54  CMG
Share with:

Ipinahayag Sabado, Pebrero 3, 2024 ni Basim al-Awadi, Tagapagsalita ng Pamahalaang Iraqi na 16 na katao ang nasawi na kinabibilangan ng mga sibilyan at 25 katao ang sugatan sa inilunsad na air raid ng tropang Amerikano sa mga pasilidad ng tropang panseguridad ng Iraq sa Akashat at al-Qaim sa kanlurang bahagi ng bansang ito at mga kalapit na tinitirhang lugar ng mga sibilyan.

 

Sinabi niya na ang mga aksyon ng Amerika ay malubhang nakapinsala sa soberanya ng Iraq.

 

Pinabulaanan niyang isinagawa minsan ng panig Amerikano ang pakikipag-ugnayan sa pamahalaang Iraqi hinggil sa air raid at kinondena ang Amerika sa panliligalig nito ng pampublikong opinyon tungo sa maling direksyon.

 

Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Maria Zakharova, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Rusya, na ang air raid ng Amerika sa Iraq at Syria ay nagpapakitang ang pananalakay sa ibang bansa ay esensya ng patakarang Amerikano sa Gitnang Silangan.

 

Aniya, mariing kinokondena ng panig Ruso ang mga aksyon ng Amerika laban sa mga soberanong bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil