31 katao, patay sa air raid ng tropang Israeli sa Gaza

2024-02-05 15:09:13  CMG
Share with:

 

Ayon sa Palestinian TV Pebrero 4, 2024, naglunsad ng air raid ang tropang Israeli sa iba't ibang lugar sa gitna at timog na bahagi ng Gaza Strip, na ikinamatay ng di-kukulangin sa 31 katao.

 

Ayon sa ulat, kinagabihan, naglunsad ng air raid ang tropang Israeli sa lungsod Deir al-Balah, gitnang bahagi ng Gaza Strip, kung saan maraming tirahan ang sinalakay at ikinamatay ng 15 katao at maraming sugatan.

 

Bukod dito, patuloy ang mga atake ng tropang Israeli sa lungsod Khan Younis, timog na bahagai ng Gaza Strip, na ikinamatay ng di-kukulangin sa 16 katao.

 

Salin: Siyuan Li

Pulido: Ramil