Turista sa bakasyon ng Bagong Taong Tsino, dagsa; domestiko’t pandaigdigang turismo, masigla

2024-02-05 17:15:10  CMG
Share with:

Pinakamahalagang kapistahan ng Nasyong Tsino ang Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino.

 

Isa rin peak season ang bakasyong ito para sa pag-uwi, pagbisita sa mga kamag-anak at paglalakbay ng mga mamamayan.

 

Nagsimula Enero 26, 2024, ang 2024 Spring Festival travel rush ng Tsina, at ito ay tatagal nang 40 araw.

 

Ayon sa datos, ang mga pampasaherong biyahe sa naturang travel rush ngayong taon ay tinatayang aabot sa 9 na bilyon at magiging bagong rekord sa kasaysayan.

 


Bukod sa dagsa ng mga tao sa loob ng bansa, kitang-kita rin ang sigla ng mga mamamyang Tsino sa outbound tourism.

 


Kasabay ng tuloy-tuloy na pagkabisa ng mga kasunduan ng mutuwal na eksemsyon sa visa ng Tsina sa mas maraming bansa, dumarami rin ang mga taong nais o may planong maglakbay sa ibayong-dagat.

 

Sa malaking pagdaloy ng mga Tsino sa panahon ng pestibal, makikita ang kalakasan at kasiglahan ng ekonomiya ng bansa.

 


Salin: Kulas

Pulido: Ramil