Double Olympic Park, magdaraos ng mga pangkultural na aktibidad ng yelo at niyebe para salubingin ang Spring Festival

2024-02-05 15:16:15  CMG
Share with:

Idinaos, Pebrero 4, sa Golden Hall, National Stadium, Beijing ang press conference para sa 2024 Spring Festival Ice and Snow Cultural Activities sa okasyon ng ikalawang anibersaryo ng pagbubukas ng Beijing Winter Olympics.

 

Sa panahon ng Spring Festival, may 13 pangkultural na aktibidad ng yelo at niyebe ang gaganapin sa National Stadium, National Aquatics Center, at National Speed Skating Arena para lumikha ng isang masiglang atmospera at itaguyod ang diwa ng Olimpiyada.

 

Ayon kay Dong Jian, isang opisyal mula sa Beijing Olympic Center, maglalaman ang mga aktibidad ng humigit-kumulang 130,000 metro kwadrado ng mga snow field at 100,000 metro kwadrado ng mga ice rink, na nagpapakita ng masiglang kultura ng yelo at niyebe.

 

Salin: Tirso

Pulido: Ramil