Ang pagtatanghal ng Luoshan dragon, isang tradisyunal na sayaw ng dragon na may 400 taong kasaysayan mula sa Distrito ng Lishui, Nanjing, silangang bahagi ng Tsina ay nakatakdang magtanghal mula Pebrero 5, 2024, bago ang Taon ng Dragon.
Kilalang-kilala ang Luoshan dragon bilang isa sa pinakamalalaking dragon sa timog Tsina na kadalasang gawa sa puting kulay, may sukat na 100 metrong haba na may 2.7 metrong taas at 2.2 metrong lapad na ulo ng dragon, at nangangailangan ng kabuuang 500 manananghal sa kabuuan
Salin: Xu Nuo
Pulido: Ramil