Ikaapat na ensayo ng 2024 CMG Spring Festival Gala, idinaos

2024-02-05 14:44:53  CMG
Share with:

 

Idinaos Pebrero 4, 2024 ang ikaapat na ensayo ng 2024 Spring Festival Gala ng China Media Group (CMG).

 

Pagkatapos ng paulit-ulit na pag-eensayo, lumalim ang integrasyon ng sining at teknolohiya ng mga programa at naging mas maganda ang palabas ng mga artista.

 

Bukod dito, mas maayos na ipinakikita ang diwa ng “tagsibol” sa pamamagitan ng pagdesenyo ng mga programa at pagkonekta ng mga segment ng gala.

 

Ayon sa pahayag ng grupong tagapag-organisa ng gala, buong sikap nilang igagarantiya ang nilalaman at kalidad ng mga programa para ipagkaloob sa bisperas ng Pagdiriwang ng Tagsibol ang isang maganda at masayang gala sa mga Tsino sa buong daigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil