Premyer Tsino at mga dayuhang eksperto sa Tsina, nagsagawa ng simposyum

2024-02-05 10:41:59  CMG
Share with:

 

Sa papalapit na Spring Festival o Chinese Lunar New Year, isinagawa Febrero 4, 2024 sa Beijing ni Premyer Li Qiang ng Tsina ang simposyum kasama ng mga kinatawan ng mga dayuhang eksperto na ginawaran ng 2023 Friendship Award at nagtatrabaho sa Tsina.

 

Ipinabot ni Li ang mga pagbati sa Bagong Taon at taos pusong pagbati sa mga dayuhang eksperto at kanilang mga kamag-anak para pasalamatan ang kanilang pangmatagalang pagmamalasakit at pagsuporta para sa pag-unlad at konstruksyon ng Tsina.

 

Idiniin ni Li na mananatiling bukas ang pag-unlad ng Tsina at tinatanggap ang mga talento mula sa buong daigdig.

 

Saad pa niya na patuloy na ooptimisahin ng pamahalaang Tsino ang mga may kinalamang patakaran, ibayo pang pasusulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao, pahihigpitin ang pangangalaga sa intellectual property rights (IPR) at iba pang mga karapatan at kapakanan, at lilikhain ang mas magandang kapaligiran para sa pamumuhay at pagtatrabaho ng mga talento mula sa buong mundo sa Tsina.

 

Sa simposyum na ito, nagtalumpati rin ang mga ekspertong galing sa Switzerland, Alemanya, Brazil, Timog Korea, Thailand, Rusya at ibang mga bansa hinggil sa kooperasyon sa inobasyon ng agham at teknolohiya, berdeng pag-unlad at paglinang ng talento.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil