Ayon sa ulat, ipinahayag ng isang mataas na opisyal ng Departamento ng Teknolohiya ng Impormasyon at Komunikasyon ng Pilipinas na matagumpay na pinigilan kamakailan ng cybersecurity expert ng bansa ang pag-hack sa mga website at email address ng pamahalaang Pilipino, at ang mga hacker ay mula sa isang kompanyang Tsino.
Ipinahayag din ng tagapagsalita ng Philippines Coast Guard na di maaaring alisin ang posibilidad na ang nasabing cyber attack ay may kaugnayan sa alitang pandagat ng Tsina at Pilipinas.
Ipinalalagay pa ng ilang mediang Pilipino na ang pamahalaang Tsino ay nasa likod ng nasabing mga aktibidad ng hacking.
Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 5, 2024 ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas na palagian at mahigpit na tinututulan at ina-atake, alinsunod sa batas ng pamahalaang Tsino ang cyber attack sa iba’t-ibang porma.
Hindi aniya pinahihintulutan ng pamahalaang Tsino ang pagsasagawa ng anumang bansa at sinuman ng mga ilegal na aktibidad na tulad ng cyber attack sa loob ng Tsina o paggamit ng imprastruktura ng bansa.
Sa kalagayan ng walang anumang katibayan at katotohanan, isinagawa ng iilang opisyal at mediang Pilipino ang masamang pagpapalagay at walang batayang pagbatikos sa Tsina. Ito ay lubos na iresponsable, saad ng tagapagsalitang Tsino.
Dagdag pa niya, naninindigan ang panig Tsino na sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon, kapit-bisig na pangalagaan ng iba’t-ibang bansa ang cybersecurity.
Salin: Lito
Pulido: Ramil