Torch relay ng Ika-14 na National Winter Games ng Tsina, sinimulan sa Hulun Buir

2024-02-05 10:58:02  CMG
Share with:

Sinimulan, Pebrero 3, 2024, sa lunsod Hulun Buir, Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa hilagang bahagi ng Tsina, ang torch relay ng Ika-14 na National Winter Games ng Tsina.

 

Si Wang Guifang, dating speed skater, ang unang nagdala ng sulo at ipapasa sa susunod na 64 na tagadala sa humigit kumulang 230 kilometro.

 

Gaganapin ang Ika-14 na National Winter Games ng Tsina sa Hulun Buir mula Pebrero 17 hanggang Pebrero 27, at mahigit 3,700 atletang Tsino ang sasabak sa 176 na kaganapan ng 16 na disiplina sa ilalim ng 8 palakasan.

 

 

Salin: Kulas

Pulido: Ramil