Xi Jinping, nakikidalamhati sa pagyao ni Hage Geingob

2024-02-06 10:53:56  CMG
Share with:

Nagpadala kahapon, Pebrero 5, 2024 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa bagong Pangulong Nangolo Mbumba ng Namibia ng mensahe ng pakikiramay sa pagyao ni dating Pangulong Hage Geingob ng bansang ito.

 

Sa kanyang mensahe, kinumusta rin ni Xi ang pamahalaan ng Namibian at mga mamamayan, at mga kamag-anak ni Geingob.

 

Tinukoy niya na si Geingob ay namumukod na lider ng Namibia at nagbigay ng mahalagang ambag para sa pagkakaibigan ng dalawang bansa, Tsina at Aprika.

 

Ani Xi, pinahahalagahan ng panig Tsino ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa at kasama ng Namibia, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil