Ensayo ng mga Tsinong mananayaw ng dragon at leon, ating silipin

2024-02-06 17:12:14  CMG
Share with:

Nakaugalian na ng mga Tsino ang masaya at makulay na pagdiriwang ng Chinese New Year o Bagong Taong Tsino at ngayong 2024, papatak ito sa Taon ng Dragon. Isa sa mga nakaugalian ay ang pagsasayaw ng dragon at leon na nagsimula pa noong mga Dinastiyang Han at Tang, 2000 taon na ang nakakaraan.

 

Kasabay niyan, isang pambihirang pagkakataon ang ibinigay sa Serbisyo-Filipino ng China Media Group para masilayan ang isang paghahanda ng mga batang Tsinong mag-aaral na mananayaw ng dragon at leon, at nabigyan ng oportunidad na maturuan ng kanilang pamamaraan ng pagsasayaw para sa pagdiriwang ng Bagong Taong Tsino.

 

Kaya sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taong Tsino, tunghayan ninyo ang aming ilang dagdag kaalaman at kaaliw-aliw na espesyal na video tungkol sa pagsasayaw ng dragon at leon. 

 

Ulat/Video Editor: Ramil Santos

Video: Mark Cristino

Researcher: Frank

Patnugot sa teksto: Jade

Patnugot sa website: Ernest

 

 

https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Lion_dance