Kapit-bisig na pangangalagaan ng iba’t-ibang bansa ang cybersecurity sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon, ipinanawagan ng Tsina

2024-02-06 11:52:42  CMG
Share with:

Ipinahayag ng isang mataas na opisyal ng Departamento ng Teknolohiya ng Impormasyon at Komunikasyon ng Pilipinas na matagumpay na pinigilan kamakailan ng cybersecurity expert ng bansa ang pag-hack sa mga website at email address ng pamahalaang Pilipino, at ang mga hacker ay mula sa isang kompanyang Tsino.


Kaugnay nito, ipinahayag Pebrero 5, 2024 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nagiging hamong pandaigdig ang cybersecurity.


Sinabi niya na palagian at mahigpit na ina-atake, alinsunod sa batas ng Tsina ang cyber attack sa iba’t-ibang porma.


Naninindigan ang panig Tsino na sa pamamagitan ng diyalogo at kooperasyon, kapit-bisig na pinapangalagaan ng iba’t-ibang bansa ang cybersecurity, diin pa niya.


Salin: Lito

Pulido: Ramil