Pangkalahatang Kalihim ng UN, bumati sa Chinese New Year

2024-02-07 15:29:51  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Pebrero 6, 2024 ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) ang pagbati sa Chinese Lunar New Year.


Sa kanyang mensahe sa pamamagitan ng video, sinabi ni Guterres na sa taong ito, ang Chinese Lunar New Year ay kauna-unahang isinama sa kalendaryo ng pistang opisyal ng UN.


Aniya, pinasalamatan niya ang matatag na pagsuporta ng Tsina at mga mamamayang Tsino sa UN, multilateralismo, at progresong pandaigdig.


Kung magtutulungan ang buong sangkatauhan, tiyak na maisasakatuparan ang sustenable, makatarungan at mapayapang kinabukasan, dagdag pa niya.


Pinagpapala rin ni Guterres na maging masulog, masaya at masagana ang mga mamamayang Tsino sa taong 2024.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil