Pangalawang Premyer Tsino, nakipagpulong sa delegasyon ng Pangalawang Kalihim ng Tesorarya ng Amerika

2024-02-07 16:15:23  CMG
Share with:

Nakipagpulong Pebrero 6, 2024, sa Beijing, si He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina sa delegasyon ni Jay Shambaugh, Pangalawang Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, na dumalo sa ikatlong pulong ng China-US Economic Working Group.

 

Tinukoy ni He na dapat buong husay na ipatupad ng kapwa panig ang mahalagang komong palagay na naabot ng dalawang pinuno ng estado sa San Francisco, at patuloy na gamitin nang husto ang tsanel ng China-US Economic Working Group, para palalimin ang komunikasyon at kooperasyon, ipunin ang mga bunga ng napagkasunduan, patatagin at paunlarin ang relasyong pang-ekonomikong Sino-Amerikano, at pabutihin ang kapakanan ng mga negosyo at mamamayan ng dalawang bansa.

 

Isang mekanismo ng komunikasyon sa larangan ng ekonomiya ang China-US Economic Working Group na binuo sa ilalim ng mahalagang napagkasunduan na naabot ng dalawang pinuno ng estado at pinamumunuan ng mga opisyal sa antas ng pangalawang ministro mula sa mga kagawaran ng pananalapi ng dalawang bansa.

 

Salin: Xu Nuo

Pulido: Ramil