Magmadali sa malaking pamilihan, ihanda ang mga kagamitan para sa Bagong Taon

2024-02-07 14:29:35  CMG
Share with:

 

Sa Tsina, ang "malaking pamilihan" ay karaniwang tumutukoy sa mga aktibidad ng pagbebenta sa malaking palengke, kalsada o exhibition hall. Puno ng mga maiingay at nagmamadaling tao, at may mahabang kasaysayan ito.

 

Maaari silang bumili ng lahat ng uri ng pagkain, inumin, at iba pa sa isang lugar. Pumupunta ang mga tao sa palengke, hindi lamang dahil sa murang presyo, kundi maging sa masigla at maligayang kapaligaran.

 

Iba’t-ibang katangiang rehiyonal ang nasabing mga merkado sa Tsina, ngunit parehas ang mainit na atmospera ng pagdiriwang sa pestibal.

Salin: Tirso

Pulido: Ramil