Hanggang sa kasalukuyan, itinakda ng halos 20 bansa sa buong daigdig ang Spring Festival bilang pistang opisyal.
Ayon sa datos ng plataporma ng e-commerce ng Alibaba, ang mga produktong Tsino na may elemento ng Spring Festival ay mabiling mabili sa mahigit 100 bansa.
Hindi lamang sa mga produktong may kinalaman sa Spring Festival, kundi pati na rin ang mga produktong Tsino na nagiging popular na popular sa buong daigdig.
Halimbawa, sapul nang pumasok ang taong 2024, ang electric tricycle na gawa ng mga bahay-kalakal ng Tsina ay mabiling mabili sa pamilihang Amerikano.
Maliban sa magandang kalidad nito, ang produktong ito ay angkop sa kahilingan sa pagmamaneho sa malaking sakahan at maliit na kalye ng mga lunsod.
Bukod dito, mas madali ang pamimili ng mga produktong Tsino mula sa mga e-commerce platform ng Tsina.
Ayon sa ulat ng Lianhe Zaobao ng Singapore, ang isang netizen galing Ho Chi Minh City, Biyetnam ay bumili ng isang electric water pot mula sa e-commerce platform ng Tsina. Mas mababa ang singil ng paghahatid mula Tsina papuntang Biyetnam kumpara sa singil sa transportasyon ng lokalidad.
Ayon naman sa ulat ng Ernst & Young Global, ang Tsina ay mahalagang bansang nagpoprodyus at nagluluwas ng mga digital product at electronics sa buong daigdig.
Bukod dito, ang mga produktong Tsino ay naghahatid ng makukulay na tradisyonal na kulturang Tsino na nakakahikayat rin ng mas maraming dayuhang mamimili.
Masasabing ang pagiging popular ng produktong Tsino sa pamilihang pandaigdig ay hindi lamang nakakasulong ng pandaigdigang kalakalan, kundi nakakabuti sa pagpapalitan sa pagitan ng iba’t ibang kultura.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil